LAS VEGAS (AP) – Matapos ang dominanteng panalo kay Nicholas Walters, target ni two-time Olympic champion Vasyl Lomachenko na makamit ang titulong World No.1 pound for pound.
Sa ipinamalas na husay at lakas, hindi malayong makamit ni Lomachenko ang inaasam na katayuan sa mundo ng boxing.
Hindi pinaporma at pinaliguan ng suntok ng two-division world champion na si Lomachenko ang dating walang talo at WBA featherweight champion na si Walters tungo sa dominanteng TKO sa ikapitong round.
Sa pagtatapos pa lamang ng first round, iwinawagayway na nang corner ni Walters ang puting tuwalya, subalit sa ikapitong round pa lamang itinigil ang laban nang mismong si Walters na ang nagsabi kay referee Tony Weeks na hindi na niya kayang lumaban.
Mabilis na kumalat sa social media ang video nang pagsuko ni Walters, sapat para maging internet sensation si Lomachenko, nagwagi ng WBO featherweight title at WBO junior lightweight title sa ikatlo at ikapitong laban sa pro boxing, ayon sa pagkakasunod.
Umabot sa 630,000 views ang laban ni Lomachenko kung saan hinahalintulad siya kay Neo, ang bida sa popular na Hollywood movie ‘The Matrix’.
“I had my plan. I knew it would take four rounds and then I went to work on him,” sambit ni Lomachenko.
“My goal is to be the No 1 pound for pound fighter in the world. I had my plan I knew it would take about four rounds and then I went to work on him. In the end he just quit,” aniya.