Nauwi sa malagim na trahedya ang masayang kaarawan ng isang dalawang taong gulang na lalaki matapos na pagbabarilin hanggang sa mapatay ang ama nito, kasama ang dalawang kainuman, sa Caloocan City, nitong Linggo ng gabi.

Dead on the spot sina Joselito Dionson, 32; Gernie Maga, 27; at Robbie Cabanisas, 28, ama ng birthday celebrant, pawang taga-Barangay 171, Bagong Silang.

Sugatan din ang mga kapatid ni Cabanisas na sina Rommel at Berlin, na nagtamo rin ng mga tama ng bala ng .45 caliber pistol sa katawan.

Ayon sa report, bandang 7:45 ng gabi at nag-iinuman ang mga biktima nang dumating ang isang lalaking nakasuot ng surgical mask at pinagbabaril ang grupo ni Cabanisas bago tumakas sakay sa motorsiklong walang plaka.

‘Messenger.com,’ hindi na magagamit simula Abril 2026

“Kung kailan pa magpa-Pasko, ganito pang nangyari sa asawa ko. Nakakalungkot naman,” umiiyak na sabi ni Lea Cabanisas.

Nanawagan din ang ginang kay Pangulong Duterte na aksiyunan ang pagkamatay ng kanyang asawa at iginiit na walang kinalaman sa droga ang insidente.

Hinala naman ng mga pulis, maaaring may kagalit ang suspek sa isa sa mga kainuman ni Robbie at nadamay lamang ito.

(Orly L. Barcala)