Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na tinatanggap na nito sa lahat ng opisinang konsular ang improved postal ID bilang isa sa mga pangunahing dokumento ng pagkakakilanlan para sa mga nais makakuha ng pasaporte.

Inihayag ng DFA ang kumpirmasyon sa pagtanggap ng postal ID, base sa liham ni DFA Undersecretary for Civilian Security and Consular Concerns Ariel Y. Abadilla kay Assistant Postmaster General Luis D. Carlos.

Sinabi ni Abadilla na mapapabilang na ang improved postal ID sa bagong bersyon ng ePassport Application Form na ilalabas ng DFA sa mga susunod na linggo.

Kasama ang postal ID, kailangan na lamang isumite sa DFA ng mga nais mag-apply ng pasaporte ang kanilang birth certificate at application form na may kumpletong detalye. (Beth Camia)

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists