snooky-serna-2-copy-copy

MAY kuwento si Snooky Serna tungkol sa prosthetics noon at ngayon.

Si Snooky ang matatawag na Prosthetic Queen sa local entertainment industry. Siya kasi ang isa sa mga artista na pinakamadalas, kung hindi man pinakamadalas talaga, na magsuot ng prosthetics noon pa man dahil sa roles na ginagampanan niya.

Kaya ngayon, tipong muling bumabalik ang mahusay na aktres sa paglalagay ng prosthetics dahil sa kanyang role sa Hahamakin Ang Lahat na nasabuyan ng asido.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Natuwa kami nang banggitin ito kay Snooky dahil pati siya, napansin din pala ito. In fact, she even said na mas magaan isuot ang prosthetics ngayon.

“It’s not always easy to have it on, kahit nu’ng bata pa ‘ko. Mabigat kasi, eh. Kasi ako parang na nalinya ako sa mga fantasy films — Blusang Itim, Rosa Mistica, Madonna: Ang Babaeng Ahas and the like.

Nakakatuwa na nag-evolve na rin. Nag-level up na siya.

“Kasi noon, di ba, dusa! No offense meant naman doon sa mga gumagawa noon. Magagaling sila. Iconic na sila. But now, feel ko lang talaga ang difference,” pagtatapos ni Snooky na isa sa mga stars ng Hahamakin Ang Lahat na pangtanggal ng antok sa televiewers tuwing hapon sa Kapuso Afternoon Prime. Tuwing 3:30 PM ang timeslot nila, if you care to know.

If you care to know daw, o! (MERCY LEJARDE)