Siniguro kahapon ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II na maisasailalim sa Witness Protection Program (WPP) sina Kerwin Espinosa at Ronnie Dayan.

Sa Martes, posible umanong maisailalim na sa kustodya ng Department of Justice (DoJ) ang dalawa.

Si Espinosa, na umano’y drug lord, ay magugunitang tumestigo sa Senado kamakailan, kung saan bukod kay Senator Leila de Lima, idiniin niya sa drug payola ang ilang matataas na opisyal ng Philippine National Police (PNP).

Sinabi ni Aguirre na nitong Biyernes, nasa DoJ ang abogado ni Espinosa para isaayos ang pagsasailalim niya sa WPP.

‘Messenger.com,’ hindi na magagamit simula Abril 2026

Samantala, si Dayan na nagpapatunay naman sa umano’y koneksyon nina De Lima at Espinosa, ay bibigyan din ng proteksyon ng DoJ. (Jeffrey Damicog)