Sinabayan ng halos walang tigil na ulan ang “Black Friday Protest” ng mga grupong tutol sa paghihimlay kay dating Pangulong Ferdinand Marcos, Sr. sa Libingan ng mga Bayani (LNMB), ngunit hindi naman ito inalintana ng mga raliyista at libu-libo pa rin ang dumagsa sa Luneta Park sa Maynila hanggang kagabi.

Dakong 4:00 ng hapon nang simulan ang protesta na dinaluhan ng mga estudyante mula sa iba’t ibang unibersidad, mga militante grupong tulad ng Gabriela, Anakpawis, Bayan Muna, CARMMA, Kilusang Mayo Uno (KMU), Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) at iba pa, mga grupong relihiyoso.

Bandang 5:00 ng hapon ay umabot na sa halos 3,000 ang nagtipun-tipon sa Luneta, ayon sa District Tactical Operations Center ng Manila Police District (MPD).

Layunin ng pagtitipon na ipakita ang mahigpit nilang pagtutol sa ginawang paglilibing sa dating diktador sa LNMB dahil hindi naman, anila, naging bayani ang dating pangulo, bukod pa sa hindi pa pinal ang desisyon ng Korte Suprema sa usapin.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Bago nagtungo sa Luneta ay nagtipun-tipon muna sa iba’t ibang lugar ang mga grupong lumahok sa protesta bago nagmartsa patungo sa Quirino Grandstand, kung saan naggayak sila ng isang entablado para sa programang inihanda nila.

Hinihikayat din ng mga raliyista na bawiin ni Pangulong Duterte ang desisyon nitong pahintulutang mailibing si Marcos sa LNMB.

‘ANTI-HATE’, HINDI ‘PRO-MARCOS’

Sa gitna ng hindi pa rin humuhupa na kontrobersiya sa biglaang paglilibing kay Marcos, iginiit ni Davao City 1st District Rep. Karlo Nograles na hindi tamang tawaging “pro-Marcos” si Pangulong Duterte, at sa halip ay tagurian na lang itong “anti-hate” at “pro-unity”.

President Duterte has been very consistent. His position on this matter has been very clear from day one, not because he is pro-Marcos but because he is committed to end the hate that many of our countrymen have towards their fellow Filipinos,” saad sa pahayag ni Nograles kahapon. (Mary Ann Santiago

at Ellson Quismorio)