LINGAYEN, Pangasinan – Isang drug surrenderer at isang mangingisda ang kapwa natagpuang bangkay sa bayan ng Pozorrubio sa Pangasinan.
Sa report ng Pozorrubio Police nakilala ang unang biktima na si Mark Soriano, 28, drug surrenderer, at taga-Barangay Alipangpang.
Pinagbabaril sa ulo si Soriano at natagpuan sa crime scene sa Sitio Limansangan, Bgy. Poblacion District I,ang mga basyo ng .45 caliber pistol at caliber 5.56 at isang karatulang nasusulatan ng “Huwag ako tularan, magnanakaw ako”.
Sa Sitio Hacienda naman sa Bgy. Salud natagpuan ang ilang araw nang nawawala na si Modesto Rebudan, Jr., 33 anyos. (Liezle Basa Iñigo)