Warriors, hinagupit ang Lakers; Clippers, walang paningit.

LOS ANGELES (AP) – Matindi, at hindi malilimot ang paghihiganti ng Warriors sa batang koponan na Lakers.

Nagbalik sa Staples Center ang Golden State Warriors armado nang marubdob na damdamin at malupit na opensa para pinuhin ang Los Angeles Lakers sa dominanteng 149-106 panalo nitong Miyerkules (Huwebes sa Manila).

Maagang nag-init ang Warriors, sa pangunguna ni Stephen Curry na kumana ng kabuuang 31 puntos para sandigan ang panalo ng Warriors at maiganti ang isa sa dalawang kabiguang natamo nila sa kasalukuyan.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Nahila rin ng Golden States ang winning run sa siyam para sa 13-2 karta.

Naisalpak ni Curry ang 11-of-18 shot at nagmistulang shooting clinics ang laro sa Lakers, nagwagi ng 20 puntos na bentahe sa unang pakikipagtuos sa Warriors.

Nailista ng tinaguriang Dubs ang 61.6 percent sa field at 19-of-36 sa downtown.

Hataw si Kevin Durant sa naiskor na 28 puntos, anim na rebound at limang assist, habang tumipa si Klay Thompson ng 26 marker. Naisalpak ni reserve Ian Clark ang matinding 5-of-5 sa three-pointer para sa kabuuang 21 puntos.

Naisara ng Warriors ang iskor sa first period, 41-26, at napalawig sa 80-49 ang bentahe. Hindi nagawang makadikit ng Lakers (8-8), naglaro na wala sina starter D’Angelo Russell (sore left knee) at Julius Randle (hip pointer), habang nag-ambag, Muling magkakatapat ang dalawang koponan sa Linggo (Lunes sa Manila).

CLIPPERS 124, MAVS 104

Nagsalansan si Austin Rivers ng 22 puntos para sandigan ang Los Angeles Clippers kontra Dallas Mavericks.

Nag-ambag si Chris Paul ng 18 puntos para a Clippers na tumatag ss 14-2 karta. Kumubra si DeAndre Jordan ng 16 puntos, at walong rebound.

Naibaba ng Clippers ang 30-6 run sa second period tungo sa ikaapat na sunod na panalo.

Nanguna sa Mavs (2-12) si Harrison Barnes na may 22 puntos. Ito ang pinakamasaklap na kabiguan sa Mavericks (2-12) mula nang maitala ang 1-23 noong 1993-94 season.

Kumubra si Dirk Nowitzki ng 10 puntos mula sa 3-of-10 shooting sa kanyang unang laro matapos ang walong laro bunsod ng napinsalang kaliwang Achilles tendon.

PELICANS 117, WOLVES 96

Nahila ng New Orleans Pelicans, sa pangunguna ni Anthony Davis na hataw sa 45 puntos at 10 rebound, ang winning streak ng Pelicans sa apat.

Nag-ambag si Terrence Jones na may 17 puntos, E'Twaun Moore na may 12 puntos at Tim Frazier na kumana ng 11 para sa New Orleans (6-10).

Umabante ang Pelicans sa pinakamalaking bentahe na 23 puntos at hindi na nagawang makahabol ng Wolves para sa ikaanim na panalo sa huling walong laro.

Ratsada si LaVine na may 26 puntos para sa Timberwolves (4-10).

Sa iba pang laro, ginapi ng Boston Celtics ang Brooklyn Nets, 111-92; nasilaw ng Phoenix Suns ang Orlando Magic, 92-87; nginata ng Toronto Raptors ang Houston Rockets, 115-120; pinutol ng Detroit Pistons ang losing skid sa apat nang gapiin ang Miami Heat, 107-84; at naghari ang Memphis kontra Philadelphia, 104-99.