WELLINGTON, New Zealand (AP) – Binulabog ng malakas na lindol ang iba’t ibang parte ng New Zealand noong Martes ngunit wala namang naiulat na pinsala.

Tumama ang magnitude 5.6 na lindol sa baybayin ng New Zealand sa North Island ng bandang 1:20 ng hapon. Hindi naglabas ng babala ang Pacific Tsunami Warning Center.

Nakasentro ang lindol halos 200 kilometro sa hilagang-silangan ng Wellington, ayon sa U.S. Geological Survey. Medyo mababaw lamang ito sa 10 kilometro.

Noong isang linggo, niyanig ng magnitude 7.8 na lindol ang bayan ng Kaikoura sa South Island ng bansa na ikinamatay ng dalawang tao.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina