GERONA, Tarlac – Ni-raid ng mga operatiba ng Gerona Police ang isang beer house sa Barangay Matapitap matapos makumpirmang may nangyayaring prostitusyon doon.

Batay sa ulat kay Chief Insp. Rustico Raposas, inaresto si Aniceto Dacanay, 62, may asawa at may-ari sa bar na nasa Barangay Estipona, Pura.

Lumitaw sa imbestigasyon na walang kaukulang business permit si Dacanay.

Inaresto rin ng mga awtoridad ang lima pang babae matapos magkunwaring kostumer sa bar ang isang confidential asset para makakuha ng serbisyo ng babae. (Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog