WESTERLY, R.I. (AP) – Binabawi ni Hilary Clinton ang pagkatalo niya sa eleksyon sa pamamagitan ng shopping o pamimilli ng mga libro.
Sa isang talumpati nitong isang linggo sa Children’s Defense Fund, sinabi ng dating Democratic presidential nominee na may mga oras na ang gusto lamang niyang gawin ay maupo at magbasa ng magandang libro, simula nang siya ay matalo sa halalan noong Nobyembre 8 kay Republican Donald Trump. Nitong Linggo, nakita siya sa The Savoy Bookstore sa Westerly kasama ang kanyang asawa, anak, manugang, at mga apo.
Sinabi ng tinderang si Jessica Wick sa pahayagang The Day na tahimik lamang na namimili ng libro ang pamilya ni Clinton. Idinugtong niya na mabait, mapagbigay, at kaaya-aya si Clinton.