Sa kabila ng kaliwa’t kanang gusot na dumadaan sa kanyang tanggapan, naki-bonding si Presidential Communications Secretary Martin Andanar sa mga dating press secretaries, kung saan bukod sa ‘good food’, masiglang usapan ang kanilang pinagsaluhan.

Nagkuwentuhan ang press secretaries na nanilbihan mula sa Marcos regime hanggang sa kasalukuyan, at nagkumpara ng kanilang mga pinagdaanan sa pagpalakad ng information machinery ng pamahalaan.

Dumalo sa reunion sina dating Press Secretaries Herminio Coloma Jr. ng Aquino administration, Cris Icban Jr. at Ignacio Bunye ng Arroyo administration, Mike Toledo ng Estrada administration, Hector Villanueva ng Ramos administration, Justice Adolf Azcuna at Deedee Siytango ng Cory Aquino administration.

“Nagpatawag ako ng reunion bilang galang na rin sa mga former Press Secretary at pag-aalala din sa mga yumaong Press Secretary,” ayon kay Andanar sa radio interview.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Inamin ni Andanar, dating broadcast journalist, na nalagay sa hot seat ang mga press secretary nang bahagyang bumatikos si Sen. Francisco Tatad.

“Iyong pinakamainit na tsismis ay ang banat ng ating kasamahang si Kit Tatad sa aming lahat. Pero alam mo maganda, kasi katuwaan lang,” ani Andanar.

“We are able to share the experiences, experience nung panahon ni Hector at nung panahon ni FVR, tapos iyong kay Kit Tatad kay Marcos, si Bunye nung panahon ni Arroyo, Sec. Coloma kay Aquino,” dagdag pa ni Andanar.

(Genalyn D. Kabiling)