BATANGAS CITY - Isa na namang nasa drug watchlist ang pinatay matapos pagbabarilin sa Batangas City, nitong Sabado ng umaga.
Ayon sa report ni SPO2 Edsel Dela Cruz, dakong 9:30 ng umaga at naglalakad si Arnel Banual, 50, taga- Barangay Soro-Soro, sa gilid ng kalsada nang pagbabarilin ito sa ulo ng suspek na nakasakay sa motorsiklo.
Narekober sa lugar ng krimen ang apat na basyo ng bala ng .45 caliber pistol at dalawang sachet ng hinihinalang shabu. (Lyka Manalo)