Patay ang isang lalaki na nanlaban umano sa mga pulis makaraang maaktuhan sa bentahan ng droga sa Tondo, Maynila, kahapon ng umaga.

Napatay ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD)-Station 2 si Renato de Leon, 31, sa loob ng kanyang barung-barong sa Pier 2, Gate 10 sa Parola Compound matapos umanong manlaban sa anti-criminality operation ng awtoridad, dakong 9:00 ng umaga.

Ayon kay SPO2 Joseph Kabigting, ng MPD-Crimes Against Persons Investigation Section (CAPIS), nagsasagawa ng anti-criminality operation ang mga operatiba ng Delpan Police Community Precinct (PCP), sa pangunguna ni PO3 Ronald Alvarez, nang madaanan nila ang grupo ng kalalakihan na umano’y nagtatransaksiyon sa droga.

Nang makita ang mga pulis ay nagkanya-kanya umanong pulasan ang mga lalaki, habang tumakbo naman papasok sa kanyang barung-barong si De Leon, kinuha ang kanyang .38 caliber revolver at dalawang beses na pinaputukan ang mga humahabol na pulis.

National

Dela Rosa at Marcoleta, binisita si OVP Chief of Staff Zuleika Lopez sa ospital

Gumanti ng putok ang mga pulis at tinamaan ang suspek, na dead-on-arrival sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center. (Mary Ann Santiago)