Pinatunayan ng isang Pilipino nurse ang katatagan matapos lumagay sa podium sa kaarangkada lang na isang international ultramarathon sa Pahang, Malaysia sa kabila ng pagiging bagito pa lamang sa paglahok sa mga internasyonal na karera.
Hindi nagpaiwan ang 25-anyos na si Meldwyn Bauding, isang registered nurse, na tumersera sa 50 kilometer men’s open category ng Cameron Ultra-Trail (CULTRA) 2016 na tinapos niya sa 7 oras, 54 minuto at 45 segundo upang daigin ang iba pang 161 runners mula sa 20 mga bansa.
Sinabi nito na nagkainteres siyang lumahok nang makita niya sa Facebook ang karera nung Mayo bago siya nagparehistro sa dalawang araw na okasyon noong Oktubre 8 at 9.
Tampok sa ruta ang tarmac, jungle at gravel sections na may altitude na gaya sa Baguio City, kung saan mga tinahak doon ng mga ultra marathoner ang Mount Jasar na may altitude na 1,684 meters above sea level (MASL) at ang Mount Berumbum na may altitude na 1825 MASL. (Angie Oredo)