SAN FRANCISCO (BBC) — Inilatag ni Facebook founder Mark Zuckerberg ang mga plano kung paano lalabanan ang mga pekeng balita sa site.

Nadawit sa kontrobersiya ang Facebook matapos magreklamo ang ilang users na binago ng mga pekeng balita ang resulta ng halalan sa United States.

Nagpaskil si Zuckerberg ng mga detalye ng ilang proyekto para labanan ang misinformation.

Una na niyang sinagot ang mga batikos sa mga pekeng balita sa Facebook at idiniin na mahigit 99% ng nilalalaman nito ay “authentic”.

Internasyonal

China, inalmahan maritime laws na pinirmahan ni PBBM

Sa kanyang post, sinabi ng bilyonaryong si Zuckerberg: “We’ve been working on this problem for a long time and we take this responsibility seriously.”

Ayon sa kanya, kasalukuyang tinatrabaho ng Facebook ang ilang panukala para higit na malabanan ang misinformation kabilang na ang mga paraan para sa stronger detection at verification, at pagbibigay ng warning labels sa fake content.