Matapos ang double round elimination, kumpleto na ang apat na koponang mag- aagawan para sa tsansang umusad sa finals ng UAAP Season 79 men’s basketball tournament.

Ang De La Salle (13-1) at Ateneo (10-4) na tumapos na 1-2, ay may taglay na bentaheng twice-to-beat kontra sa kanilang karibal na Adamson (8-6) at Far Eastern University (9-5), ayon sa pagkakasunod.

Halos nadomina ng Green Archers ang kabuuan ng eliminations bago sila napigilan ng Blue Eagles sa asam nilang sweep.

Gayunman, nanatili silang angat kontra sa makakatunggaling Falcons na dalawang beses nilang tinalo sa elimination.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Sa kabila nito, hindi naman kaagad magtataas ng puting bandila ang Adamson dahil sa mga nasilip nilang tsansa nang huli silang magtuos sa second round na natapos sa dikit na iskor na 79-86.

Kinakailangan lamang ng kanyang mga key players na sina Papi Sarr, Jerrick Ahanmisi, at Robbie Manalang ang mag- step- up sampu ng iba pang miyembro ng koponan upang maipalasap ang ikalawang panalo sa Green Archers ngayong taon at makapuwersa ng do-or-die game.

Nakalalamang din ang Ateneo na sinorpresa ang lahat nang agawin sa katunggaling Tamaraws ang second spot.

Sa likod ng itinalang six- game winning streak, muling sasandigan ni coach Tab Baldwin ang kanyang team leader na sina Thirdy Ravena, Aaron Black, at Isaac Go.

Umaasa ang Ateneo na mapapantayan ang pagwalis nila sa FEU sa elimination kaya pinapaboran ang Blue Eagles sa match-up.

Hindi na bale aniyang tawagin syang “ kill joy” ng nakararami pero balak niyang pigilan ang sinasabing “dream match” ng archrivals Ateneo at La Salle sa finals.

At upang magawa ito, aasahan niyang kakayod ng doble sina Raymar Jose, Monbert Arong, at Prince Orizu.

(Marivic Awitan)