Kilala si reigning UAAP champion coach Nash Racela sa pagiging simple, mapagkumbaba, hindi mareklamo at mabait na mentor.

Isa rin siya sa pinakamahuhusay na coach at makailang beses niyang pinatunayan ang galing at husay sa international scene matapos gabayan ang Gilas Cadet sa nakaraang SEABA meet sa kabila ng dalawang linggo lamang ang kanilang naging paghahanda.

Kaya naman marami ang naniniwala at rumirespeto sa kanyang mga sinasabi at gawa.

Nagpahayag si Racela ng kanyang pangamba sa tila nilulutong dream match ng archrivals Ateneo at La Salle makaraang tumapos na top two ang dalawa sa eliminations ng ginaganap na UAAP Season 79 men’s basketball tournament.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Kapwa may bentaheng twice-to-beat, inaasahang mas lumaki ang tsansa para sa inaasam na tapatan ng top seed Green Archers at second seed Blue Eagles.

“That’s really a concern for us because FEU and Adamson both want to be in the finals, and us both are deserving to be there,” pahayag ni Racela.

“We’ll try our best to deny that dream because we have a better dream.”

Bumaba ang defending champion Tamaraws sa third spot sa Final Four kung saan makakatapat nila ang Blue Eagles.

“I am confident on who we will face, problem ko is the dream matchup because people have it in their minds,” aniya.

“I have a different dream, and there’s a different matchup there.” (Marivic Awitan)