Nais ng Department of Health (DoH) na ipatigil na ang pagdaraos ng medical missions sa bansa dahil sa panganib na dulot nito sa mga mamamayan.

Ayon kay Health Secretary Paulyn Jean Ubial, dumulog na ang DoH sa mga tanggapan ng mga mambabatas upang hilingin na ipatigil ang pag-i-isponsor ng mga medical missions.

Naniniwala ang kalihim na hindi naman talaga nakatutulong ang mga medical mission sa kalusugan ng publiko at sa halip ay nakasasama pa ito.

Paliwanag niya, 90 porsiyento ng mga taong nagtutungo sa medical mission ay nais lamang makakuha ng libreng gamot, gaya ng antibiotic, kaya’t kahit walang sakit ang mga ito ay nagtutungo sa mga medical mission na isinasagawa sa kanilang lugar.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Ginagamit umano ng mga ito ang naturang gamot sa pagse-self medicate.

Sa ngayon, aniya, ay marami pa ring request sa DoH para sa pagsasagawa ng mga medical mission, ngunit pinayuhan niya ang mga organizer ng mga naturang aktibidad na minor checks lamang ang gawin gaya ng pagkuha ng blood pressure, blood donations at blood typing. (Mary Ann Santiago)