Mga Laro Ngayon

(Araneta Coliseum)

2 n.h. -- Adamson vs Ateneo

4 n.h. -- UE vs FEU

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Tatangkain ng Ateneo de Manila na masiguro ang awtomatikong No.2 slot sa Final Four sa pakikipagtuos sa Adamson sa pagtatapos ng elimination round ngayong hapon ng UAAP Season 79 men’s basketball tournament sa Smart Araneta Coliseum.

Kasalukuyang humahataw sa winning streak, target ng Blue Eagles na madagit ang inaasam na ‘twice-to-beat’ na bentahe na hindi na dadaan pa sa playoff.

Nakatakda ang laro sa 4:00 ng hapon.

Tangan ang 9-4 karta matapos ang five- game winning run, nakakaungos ang Blue Eagles para sa No.2 spot sa karibal at defending champion Far Eastern University Tamaraws na sasabak naman sa unang laban kontra sa sibak nang University of the East ganap na 2:00 ng hapon.

Upang makatiyak ng No.2 spot at magkamit ng bentaheng twice-to-beat, kailangang manalo ng Blue Eagles at makabawi sa natamo nilang 61-62 pagkabigo sa Falcons noong first round.

Mapupuwersa ang playoff para sa No. 2 spot sakaling manaig ang Tamaraws sa Blue Eagles.

Ngunit, kung higit sa 30 puntos ang lamang ng Falcons at magwawagi din ang Tamaraws, babagsak ang Blue Eagles sa pang- apat at ang Adamson at FEU ang mag-aagawan sa No.2 spot.

“We put ourselves in a position where we can get a twice-to-beat (advantage) so we have to forget everything else and put everything in that game and let’s see where that takes us,” pahayag in Ateneo coach Tab Baldwin.

Para naman kay coach Franz Pumaren, hawak ng Soaring Falcons ang posibilidad na makabalik ng semis mula ng huling nakapasok ng Final Four ang koponan noong 2011.

“We’re aiming to at least get a tie and get a shot for the twice-to-beat advantage,” ayon kay Pumaren na galing sa 77-53 panalo kontra National University Bulldogs Galing naman sa tatlong sunod na pagkabigo, sisikapin ng Tamaraws na makabalik sa winning track upang patatagin ang kampanya sa Final Four. (Marivic Awitan)