Itinanggi ni Frank Malabed, ang pamosong “mortician to the stars” dahil sa mga kilala niyang kliyente, ang haka-hakang ‘wax dummy’ at hindi mga labi mismo ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos, ang nasa refrigerated mausoleum sa Batac, Ilocos Norte.

Sa panayam ng radyo at telebisyon, sinabi ni Malabed na maganda ang hitsura ng mga labi ng dating pangulo dahil sa ‘reconstructive wax’ at regular na maintenance.

Si Marcos ay yumao noong 1989 habang naka-exile sa Hawaii, matapos mapatalsik sa pamamagitan ng people power noong Pebrero 1986.

Tatlong araw matapos mamayapa, ipinatawag umano ni dating First Lady Imelda Marcos si Malabed sa Honolulu.

National

SP Chiz, dinepensahan mga umano'y 'blank items' sa GAA: 'Kasinungalingan iyon'

“His body was in bad shape, not properly embalmed. I immediately took it back to the mortuary and re-embalmed the remains,” ayon kay Malabed.

Pansamantalang inihimlay sa Valley of Temples sa Hawaii si Marcos na araw-gabi ay binantayan ng mga nagboluntaryong presidential guards, hanggang maiuwi ang mga labi nito sa Pilipinas.

Nang makabalik na sa Pilipinas si Imelda noong Nobyembre 1991, ipinangako umano ni Malabed na isasailalim niya sa regular check-ups at maintenance ang mga labi ni Marcos.

Taong 1992 nang payagan ni dating Pangulong Fidel V. Ramos na maiuwi na sa Pilipinas ang mga labi ng kanyang pinsan.

“When I heard that the Libingan burial was imminent, I traveled to Ilocos last August and inspected the president’s remains, and found no damage. It just needed the usual upkeep,” ayon pa kay Malabed na nagsabing nagre-report siya kay Imelda.

“My work on President Marcos is so good the body will remain preserved for at least 5, even 10 years” pagsiguro ni Malabed.