Mga laro ngayon

(Philsports Arena)

10:30 n.u. -- Champion vs IEM

12:30 n.t. -- Cignal vs Air Force

Karl Eldrew Yulo, pamilya raw pinakamagandang regalong natanggap

4 n.h. -- UST vs BaliPure

6 n.h. -- Customs vs Pocari

Matinding bakbakan ang matutunghayan ngayon sa paglarga ng Game 1 ng best-of-three finals series ng Shakey’s V-League Season 13 Reinforced Conference sa pagitan ng Bureau of Customs at Pocari Sweat sa Philsports Arena.

Nakapasok sa kampeonato sa unang pagkakataon sa unang paglahok sa liga, hangad ng Transformers na makamit ang kasaysayan, habang target naman ng Lady Warriors na masundan ang naunang kampeonato na napanalunan nila noong nakaraang Open Conference.

Umusad ang Transformers sa finals sa pamumuno nina Thai import Kanjana Kuthaisong at local ace Alyssa Valdez katulong ang ilang mga beterano sa team na sina Lilet Mabbayad at Rosemary Vargas upang magapi ang BaliPure Purest Water Defenders sa do-or-die Game 3 ng kanilang semifinals series at makopo ang huling finals berth, 25-21, 25-16, 24-26, 8-25, 15-8,nitong Miyerkules ng gabi.

Kontra Pocari, aminado naman ang Customs sa pagiging dehado.

“We’re the underdogs,” ani Customs coach Sherwin Meneses. “For us to beat them (Lady Warriors), we have to play solid in reception and blocking.”

Tiyak na aantabayanan ng mga fans ang mga offensive threat ng magkabilang panig na sina Valdez at Kuthaisong para sa Customs at mga import namang sina Breanna Mackie at Kay Kacits para sa Pocari gayundin ang kanilang mga back- up na sina Thai Natthanicha Jaisaen at locals Vargas, Pau Soriano at Mabbayad para kina Valdez at sina Myla Pablo, Michelle Gumabao, Desiree Dadang at iris Tolenada naman kina Mackie.

Nakatakda ang duwelo ganap na 6:00 ng gabi, habang maglalaban sa 4:00 ng hapon para sa ikatlong puwesto ang Balipure at University of Santo Tomas.

Samantala, tatangkain ng Air Force na tapusin na ang duwelo sa kampeonato kontra Cignal sa Game 2 ng Spikers’ Turf Season 2 Reinforced Conference ngayong 12:30 ng hapon kasunod ng naitalang 23-25, 19-25, 25-19, 27-25, 15-12 noong Game 1. (Marivic Awitan)