Pinulbos ng Centro Escolar University ang University of Batangas, 98-57, nitong Huwebes para masungkit ang No.1 slot sa Final Four ng Universities and Colleges Basketball League sa Olivarez Sports Center.
Kahanga-hanga ang bagsik ng Scorpions na nagwagi sa ikawalong laro tangan ang double-digit na bentahe.
“Hindi namin minamaliit mga kalaban. Kung sino ang makakalaban namin dito, challenge lagi para sa amin,” sambit ni CEU forward Jason Opiso, umiskor ng 18 puntos at anim na rebound.
Nanguna sa Scorpions si Lorenz Guinitaran sa nakubrang 20 puntos, habang nag-ambag si Nigerian slotman Ebuka Umeanozie ng walong puntos at apat na rebound.
Ginapi ng Colegio de San Lorenzo, sa pangunguna ni Jonjon Gabriel na umiskor ng 24 puntos, ang Diliman College, 82-65.
“Focus lang kami sa ginagawa namin,” sambit ni Gabriel, humugot din ng walong rebound at 70-of-9 shooting.