NAGLABAS ng pahayag si Prince Harry ng Britain, na hindi niya dating ginagawa, para punahin ang media sa panghihimasok sa pribadong buhay ng kanyang American girlfriend, at sinabi na nakatanggap ang kanyang kasintahan ng “wave of abuse and harassment” mula sa press.

Naglalabas ng istorya araw-araw ang British newspapers tungkol kay Meghan Markle simula nang pumutok ang balita noong huling bahagi ng Oktubre na ilang buwan nang “secretly” dating ang 35-anyos na aktres at ang prinsipe, 32-anyos, na apo ni Queen Elizabeth

Hindi maayos ang relasyon ni Harry at ng kanyang nakatatandang kapatid na si Prince William sa press simula nang masawi ang kanilang ina na si Princess Diana sa isang car crash sa Paris noong 1997 habang hinahabol ng nakamotorsiklong paparazzi.

Gayunman, ang pahayag mula sa kanyang communication secretary, na nagkumpirma na may relasyon sina Harry at Markle, ay may di-karaniwang matitinding salita na kumukondena sa press.

Relasyon at Hiwalayan

Jak masaya pang sinalubong ang 2025; netizens, napansing iba ang kasama niya

“He has rarely taken formal action on the very regular publication of fictional stories that are written about him and he has worked hard to develop a professional relationship with the media,” ayon sa pahayag.

“But the past week has seen a line crossed. His girlfriend, Meghan Markle, has been subject to a wave of abuse and harassment.

“Some of this has been very public - the smear on the front page of a national newspaper; the racial undertones of comment pieces; and the outright sexism and racism of social media trolls and web article comments.”

Tubong Los Angeles si Markle na hiwalay sa asawa at naging bida sa legal drama na Suits. Ang kanyang ama ay puti at ang kanyang ina naman ay African-American. (Reuters)