Madugo ang pagkamatay ng isang magkapatid na umano’y mga tulak ng ilegal na droga makaraang manlaban sa mga pulis sa buy-bust operation sa Navotas City, kahapon ng madaling araw.

Ayon kay Police Sr. Supt. Dante Novicio, hepe ng Navotas Police, dead on the spot ang magkapatid na sina Larry, 29, at Jun-Jun Umbao, 35, kapwa residente ng Lot 7, Block 7, Tumana, Barangay North Bay Boulevard South ng nasabing lungsod, sanhi ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Dakong 2:00 ng madaling araw ikinasa ng kanyang mga tauhan ang operasyon laban sa magkapatid na Umbao sa nasabing lugar.

Nakahalata umano ang mga suspek na pulis ang kanilang katransaksiyon at kanilang pinaputukan ang mga awtoridad at mabilis na nagsitakbo hanggang sa magkahabulan ang magkabilang panig at makorner ang mga suspek.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Dito na umano nagdesisyon ang mga tauhan ni Novicio na pagbabarilin ang magkapatid na naging sanhi ng kanilang pagkamatay.

Nakuha sa magkapatid ang ilang pakete ng shabu at isang cal. 38. (Orly L. Barcala)