PHILADELPHIA (AP) – Hataw si LeBron James sa naiskor na 25 puntos para gabayan ang Cleveland Cavaliers sa pahirapang 102-101 panalo kontra sa Sixers at lagpasan si basketball legend Hakeem Olajuwon sa ika-10 puwesto sa NBA all-time scoring record.
Kumana rin si James ng walong rebound at 14 assist, tampok ang pasa kay Channing Frye sa three-point area na nagbigay ng isang puntos na bentahe sa Cavs may 65 segundo sa laro.
Nagtamo ng tatlong sunod na turnover ang Philadelphia 76ers, sapat para mailusot ng Cavs ang panalo at manatiling bokya sa limang laro.
Nag-ambag si Kevin Love ng 20 puntos at 11 reboundpara mapanatili ang Cavaliers na tanging koponan na wala pang talo (6-0) ngayong season.
Kumubra naman si Joel Embiid ng 22 puntos para sa Sixers.
Natipa ng four-time NBA Most Valuable Player ang pambasag ng record ni Olajuwon (26,946) sa fast break layup sa first period. Kinailangan lamang ni James ng kabuuang 993 laro sa loob ng 14 season para lagpasan si ‘The Dream’ na naglaro ng kabuuang 1,238 sa loob ng 18 season.
"It means I've played with a lot of great teammates that have allowed me. It's always humbling when you're able to put yourself in any category with the guys that laid the path for you and for the rest of us. So, it's pretty cool,” sambit ni James.
CLIPPERS 116, SPURS 92
Sa San Antonio, natamo ng Spurs ang ikalawang sunod na kabiguan nang maungusan ng bisitang Los Angeles Clippers.
Ratsada si Blake Griffin sa naiskor na season-high 28 puntos mula sa 13-of-19 field goal para sandigan ang Clippers sa ikalimang panalo sa anim na laro.
Nag-ambag si Jamal Crawford ng 16 puntos, habang kumana si Marreese Speights ng 15 puntos.
Nanguna si LaMarcus Aldridge sa Spurs sa nakubrang 19 puntos, habang nalimitahan si Kawhi Leonard sa 14 puntos.
ROCKETS 112, HAWKS 97
Sa Atlanta, tumipa si Dwight Howard ng double-double -- 20 puntos at 14 rebound para sa akayin ang Hawks laban sa dating koponan.
Nagsalansan sina Paul Millsap ng 23 puntos at Kent Bazemore na may 20 puntos para tuldukan ang two-game slide ng Hawks at angkinin ang ikaapat na panalo.
Umiskor ng double digit ang lahat ng Rockets starter, sa pangunguna ni James Harden na tumipa ng 30 puntos, 12 assist at siyam na rebound.
PACERS 111, BULLS 94
Sa Indianapolis, nagdiwang ang homecrowd sa impresibong panalo ng Pacers kontra Chicago Bulls.
Kumana si CJ Miles ng season-high 12 triples para sa kabuuang 20 puntos at gabayan ang Pacers sa ikatlong panalo sa anim na laro.
Nanguna si Jeff Teague sa Pacers sa naitalang 21 puntos, habang nag-ambag si Myles Turner ng 16 puntos.
THUNDER 112, WOLVES 92
Sa Oklahoma City, maagang bumawi ang Thunder sa masaklap na kabiguan kontra Warriors nang pabagsakin ang Minnesota Timberwolves.
Tumipa si Russell Westbrook ng 28 puntos, walong assist at anim na rebound, habang humirit si Enes Kanter ng 20 puntos at 10 rebound para sa ikalimang panalo ng Oklahoma sa anim na laro.
Nag-ambag sina Steven Adams at Victor Oladipo ng 14 at 12 puntos, ayon sa pagkakasunod.