Nakatulong sa ratsada ng Ateneo kontra sa mahigpit na karibal na La Salle ang mahabang bakasyon.

Inamin ni Blue Eagles coach Tab Baldwin na nakapaghanda ng husto ang Blue Eagles para tuldukan ang winning run ng Green Archers sa impresibong 83-71 panalo nitong Sabado sa UAAP Season 79 men’s basketball tournament second round sa Smart Araneta Coliseum.

“It makes a big difference. I told the guys we were really, really focused on all the little things with La Salle,” pahayag ni Baldwin.

Naniniwala rin si Baldwin na nagkaroon ng psychological edge ang Blue Eagles sa kanilang naging paghahanda habang posible aniyang namalagi sa isip ng Green Archers ang pagiging kampante dahil na rin sa katotohanang tinalo sila noong first round.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“We perhaps have the edge, the psychological edge in terms of we were doing things differently. We were doing things, specifically the small things,” paliwanag ni Baldwin.

Gayunman, sinabi ng dating Gilas Pilipinas coach na hindi doon natatapos ang lahat dahil mahaba pa ang kanilang laban.

Dahil sa panalo, pormal ng umusad ang Blue Eagles sa Final Four sa pag- angat sa barahang 7-4.

Kaugnay nito, ikinatuwa ni Baldwin ang ipinakitang composure ng kanyang Blue Eagles na batid niyang magiging kapaki- pakinabang sa kanilang mga susunod na laban. (Marivic Awitan)