MELBOURNE, Australia (AP) — Muling masisilayan ang kahusayan ni Olympic champion Usain Bolt sa kanyang pagsabak sa Nitro Athletics sa Pebrero sa susunod na taon.

Pinangunahan ni Bolt, kampeon sa 100, 200m at 4x100 relay sa nakalipas na tatlong Olympics, ang paglulunsad ng naturang torneo nitong Biyernes sa Melbourne.

“This will be track and field as it’s never been seen before and that’s why I’m involved — not only as a competitor, but also as a team captain,” pahayag ni Bolt, tangan din ang world-record sa 100 at 200 at sinasabing pinakadominanteng sprinter sa kasaysayan.

“Nitro Athletics is what track and field needs — a fresh way to present the sport.”

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Gaganapin ang unang serye ng torneo sa Melbourne’s Lakeside Stadium tampok ang 24 atleta – 12 lalaki at 12 babae – kada koponan mula sa anim na bansang kalahok.

Ito ang unang pagkakataon na tatakbo si Bolt sa Australia kung saan nakatakda umano siyang tumanggap ng US$1 milyon mula sa organizer na Athletics Australia at Victoria state government.

Ayon kay Athletics Australia director John Steffensen, dating Commonwealth Games 400-meter champion, ang presensiya ni Bolt ay magpapasiguro sa tagumpay ng torneo.

“The headline act of Nitro Athletics Melbourne is the biggest name in all of sport,” ayon kay Steffensen.

“No other sport has an athlete like Usain Bolt — he’s the fastest human on the planet.”