DUBAI, United Arab Emirates (AP) — Napipinto ang showdown ng shawarma sa Dubai.

Iniulat ng pahayagang National ng Abu Dhabi na halos kalahati ng shawarma stands sa Dubai ang ipapasara o tumigil na sa pagtitinda ng sikat na street food ng Middle East.

Ayon dito, sinabi ni Sultan al-Tahir, pinuno ng food inspection sa Dubai, na binigyan ng anim na buwang palugit ang mahigit 570 shawarma stands sa bansa upang ayusin ang kanilang operasyon at sumunod sa bagong hygiene regulations.

Sinabi ni Al-Tahir na bunga nito, 113 ang tumigil sa paggawa ng meat wraps, habang ang 141 ay nagbibingi-bingihan at nakatakdang ipasasara.
Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture