Inihayag kahapon ng Bureau of Customs (BoC) na mayroon pang tatlong reklamo laban sa nasibak na opisyal ng kawanihan na si Arnel Alcaraz bukod sa kasong graft na isinampa laban sa kanya sa National Bureau of Investigation (NBI).

Sinabi ni Atty. Mandy Anderson, staff lawyer ni BoC Commissioner Nicanor Faeldon na nasa tatlo hanggang apat na broker at importer ang nagreklamo laban kay Alcaraz ngunit dahil sa hindi natukoy na dahilan ay hindi na isinulong ang kaso kahit pa may affidavit ito.

Sinibak ng BoC si Alcaraz bilang officer-in-charge ng BoC-Enforcement Group matapos banggitin ni Pangulong Duterte nitong Martes na nais niyang masuspinde at matanggal sa puwesto ang isang Customs deputy official dahil sa pagkakasangkot umano nito sa kurapsiyon. Hindi naman pinangalanan ng Presidente ang nasabing opisyal.

Inilipat na sa Compliance Monitoring Unit (CMU) at papalitan ni Special Police Major Isabelo A. Tibayan III, tumangging magbigay ng pahayag si Alcaraz tungkol sa usapin.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Sinabi naman ni Anderson na “assuming” sila na si Alcaraz nga ang tinukoy ng Pangulo dahil ito lamang ang deputy commissioner na may nakabimbing kaso sa NBI. (Argyll Cyrus Geducos at Mina Navarro)