CAMP MACABULOS, Tarlac City – Isang lalaki ang nasawi matapos na salakayin ng anim na lalaki ang kanyang bahay sa Block 2, Barangay Balingcanaway sa Tarlac City, nitong Miyerkules ng madaling araw.

Sa natanggap na ulat ni Tarlac Police Provincial Office Director Senior Supt. Westrimundo Patrick Obinque, pinagraratrat sa iba’t ibang parte ng katawan si Jayson Blas, 38, ng nasabing barangay, na nasa drug watchlist at sumuko sa Oplan Tokhang ng pulisya.

Kuwento ng ina ng biktima na si Zenaida Blas, 67, payapang natutulog sa kuwarto ang kanyang anak nang biglang pumasok sa kanilang bahay ang anim na armado na nakasakay sa dalawang motorsiklo at isang puting behikulo, dumiretso sa kuwarto ni Jayson at pinagbabaril ito. (Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog