Voting rights ng LVPI at 6 pang NSA, binira ng ex-POC Comelec.

Hindi makatwiran at labag sa bylaws and constitution ng Philippine Olympic Committee (POC) ang pagbibigay ng voting rights kay Larong Volleyball ng Pilipinas (LVPI) acting president Pedro S. Cayco, gayundin ang pagbibigay ng mahigit sa apat na opisyal sa anim na sports associations para kumatawan sa General Assembly.

Ito ang nakasaad sa reklamong isinumite ni dating POC Comelec member at LVPI secretary general Richard ‘Ricky’ Palou sa POC Election Committee kung saan hiniling din niya na ayusin ang voting list bago ang nakatakdang halalan sa Olympic body sa Nobyembre 25.

Isang kaalyadong national sports association ni incumbent Philippine Olympic Committee (POC) president Jose “Peping” Cojuangco ang nakihalo na rin sa kaguluhan sa nalalapit na eleksiyon ng pribadong asosasyon sa sports sa nalalapit na Nobyembre 25.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Ang asosasyon ay ang Larong Volleyball ng Pilipinas Incorporated (LVPI), kung saan nag-reklamo ang secretary general nito na si Richard “Ricky” Palou hinggil sa walang permiso at hindi awtorisado na pagtatalaga sa taong boboto para sa grupo ng volleyball sa bansa.

Ayon kay Palou, kilalang kaalyado ni Cojuangco, hindi niya awtorisado na maging kinatawan ng LVPI sa POC Election si Cayco, ginawang acting president ni LVPI president Jose ‘Joey’ Romasanta para pagtuunan ang Karate Federation na pinamumunuan niya rin.

Sa tatlong pahinang reklamo ni Palou kay POC Election Committee Chairman Francisco Elizalde at may petsang Nobyembre 2, partikular na tinukoy ang (1) Qualification to cast vote by Mr. Pedro S. Cayco at (2) More than four officials of the NSA to vote in POC election.

“The undersigned most respectfully files this objection to the designation of Mr. Pedro S. Cayco by the Comelec as an eligible voter representing LVPI as its president,” pahayag ni Palou, nagsilbing POC Comelec sa nakalipas na halalan sa Olympic body.

“In the first place, the President on record of LVPI is Mr Jose Romasanta. The undersigned is the secretary general.

Under the By-laws of the POC, particularly Article V, Section 1 subparagraph (i) to wit: Each NSA’s shall have the following function and duties.”

“To designate one official representative to the POC General Assembly. Such official representative shall either be the President, the Secretary General or the Vice-President, of the NSA, duly authorized by the President in writing and attested to by the Secretary General,” paliwanag ni Palou.

“In the list of voters attached to your memorandum to all NSA’s dated October 26, 2016, the name of Mr. Peter Cayco appears as acting president of LVPI. As Secretary General of LVPI, there is no record in the corporation that Mr. Romasanta has resigned from the LVPI. Also, there has never been an election for a new President that installed Mr. Peter Cayco, who is currently the Vice President of LVPI to be the president or acting president of LVPI.

“For the information of the Honorable Comelec, Mr. Jose Romasanta is concurrently also the President of Philippine Karatedo Federation – NSA Inc (PKF). These position are incongruous to each other. If a person can be allowed to represent more than one NSA, who can then prevent one person to represent all forty one members of the POC, and thus be the lone voter during POC elections?” pahayag ni Palou.

Kinuwestiyon din ni Palou ang listahan ng mga papayagang bumoto mula sa anim na asosasyon na may dalawang vice-president tulad ng World Archery Philippines, National Chess Federation of the Philippines, Philippine Amateur Sepak Takraw Association, Philippine Soft Tennis Association, Amateur Softball Association of the Philippines at Wushu Federation of the Philippines.

Ayon kay Palou, ang anim na NSA ay nabuo sa pangangasiwa ng POC.

Iginiit ni Palou sa Comelec na bilang secretary general ng LVPI, siya ang may karapatang bumoto at hindi si Cayco, gayundin dapat alisan ng karapatang bumuto ang isa sa vice president na nakalista sa anim na NSA. (Angie Oredo