Binabantayan ngayon ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang dalawang tropical depression (TD) sa labas ng Philippine area of responsibility (PAR) na posibleng pumasok sa bansa sa susunod na mga araw.

Ang unang bagyo, nasa layong 1,445 kilometro Silangan ng Visayas, ay nagtataglay ng lakas ng hangin na 45 kilometer per hour (kph) at bugsong 55 kph. Kumikilos ito pa-Kanluran-Hilagang Kanluran sa bilis na 19 kph.

Namataan naman ang pangalawang TD sa layong 2,830 kilometro Silangan ng Luzon na may lakas ng hangin na aabot sa 45 kph at bugsong 55 kph. Patuloy itong kumikilos pa-Kanluran Hilagang Kanluran sa bilis na 15 kph.

Tinataya ng PAGASA na papasok sa PAR ang unang bagyo sa loob ng 24 oras. Papangalanan itong “Marce”, ang pang-13 ngayong taon.

Metro

Sec. Dizon, tiniyak maiibsan lagpas-taong baha sa Araneta, QC bago ang tag-ulan

Samantala, masyado pang malayo ang pangalawang bagyo. Gayunman, kapag tuluyan itong pumasok sa PAR ay tatawagin itong “Nina”.

Nagbabala ang PAGASA sa mga residente ng Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Caraga Region, ilang bahagi ng Visayas at Metro Manila sa posibleng malakas na pag-ulan bunsod ng intertropical convergence zone (ITCZ) na paiigtingin ng nasabing weather system. (Rommel P. Tabbad)