Kim Kardashian Fragrance Launch

BUMALIK na sa social media si Kim Kardashian. Nag-post ang star sa Facebook sa unang pagkakataon simula nang manakawan sa Paris noong nakaraang buwan, na naging dahilan ng kanyang pananahimik sa kanyang mga social media account.

Nag-post si Kardashian, na nagkaroon ng multimillion-dollar brand dahil sa aktibong paggamit ng Twitter, Instagram, at iba pang social media posting na umakit ng milyun-milyong follower, ng tatlong entry sa Facebook noong Lunes, ngunit hindi nagsalita tungkol sa nakawan at pagtutok sa kanya ng baril sa Paris.

Sa halip, nag-post siya ng link sa mga dating video ng Kardashian Halloween family, nagbigay din siya ng link sa Halloween costume ideas mula sa kanyang personal assistant, at ibinahagi ang lumang litrato ng kanyang sarili na nakaupo at nakatingin sa kanyang cellphone.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Naging mainit ang pagtanggap ng fans sa kanyang pagbabalik, at may mga nagkomento na nakasulat sa French, Spanish, Portuguese, at English. “Kim you were so missed, so happy you are coming back to us,” comment ni Rebecca Vassimon.

“Welcome back to social media Kim from Morocco. We love you,” saad naman ni Laila Amri.

Noong nakaraang linggo, bumalik na ang 36-anyos sa shooting ng kanyang TV show na Keeping Up With the Kardashians,” na pansamantalang huminto simula nang maganap ang insidente noong Oktubre 3 nang tutukan siya ng baril at nakawin ang kanyang mga alahas. Hindi pa rin naaresto ang mga magnanakaw hanggang ngayon.

Naging low profile si Kardashian, na ginagamit ang social media at ang TV show para ikuwento ang bawat detalye ng kanyang buhay at pati na rin ang kanyang mga kapatid na babae, kasunod ng mga pambabatikos sa kanya na naging dahilan diumano sa naganap na nakawan ang sobrang paggamit niya sa social media at pagpapakita ng kayamanan niya rito.

Sinabi ng kanyang kapatid na si Khloe Kardashian na nakaranas si Kim ng “emotional terror” at palatandaan ang insidente ng “wake-up call to make a lot of life adjustments.” (Reuters)