OSLO (Reuters) – Halos isa sa pitong bata sa buong mundo ang naninirahan sa mga lugar na may mataas na antas ng outdoor air pollution, at ang kanilang murang katawan ay mahina sa pinsalang dulot ng maruming hangin, sinabi ng children’s agency ng UN noong Lunes.

Nanawagan ang United Nations Children’s Fund (UNICEF) sa halos 200 gobyerno, na magpupulong sa Morocco mula Nobyembre 7 hanggang 18 para talakayin ang global warming, na limitahan ang paggamit ng fossil fuels upang mapabuti ang kalusugan ng tao at mapabagal ang climate change.

Halos 300 milyong bata, o isa sa pito sa buong mundo, ang naninirahan sa mga lugar na napakarumi ng hangin sa labas.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Batay sa sukatan ng UNICEF, ito ay anim na beses na mas mataas kaysa international guidelines na itinakda ng World Health Organization (WHO).

Sinabi ni UNICEF executive director Anthony Lake na ang air pollution ay isang “major contributing factor in the deaths of around 600,000 children under five every year”, na nagdudulot ng sakit gaya ng pneumonia.

Sa buong mundo, tinaya ng WHO na ang outdoor air pollution ay pumatay ng 3.7 milyong katao noong 2012, kabilang na ang 127,000 bata na wala pang limang taon. Nagmumula ang polusyon sa mga pabrika, power plants at sasakyan na gumagamit ng fossil fuels, alikabok at pagsunog sa basura.