Tumindi pa ang naranasang pagyanig ng Bulkang Bulusan sa Sorsogon, ayon sa Philippine Institute of Volcano and Seismology (Phivolcs).

Batay sa record ng Phivolcs, aabot sa 49 na volcanic earthquake ang naitala sa Bulusan sa nakalipas na 24 oras.

Gayunman, walang nakitang steaming activity ng bulkan dahil na rin sa makapal na ulan na tumatakip sa crater nito.

Naitala rin ng Phivolcs sa 148 tonelada kada araw ang sulfur dioxide na ibinubuga ng bulkan, bukod pa sa nararamdamang pressure sa ilalim ng bulkan na senyales ng patuloy na pag-aalburoto nito. (Rommel Tabbad)

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito