Nakapagtala pa ang Department of Health (DoH) ng dalawang panibagong kaso ng Zika virus sa Cavite, sanhi upang umabot na sa 19 ang kabuuang bilang ng mga taong tinamaan nito sa bansa.

Sa isang pulong balitaan na isinagawa ng DoH, kasabay ng National Summit on Zika Virus, sa Pasay City, sinabi ni Health Undersecretary Gerardo Bayugo na ang mga bagong pasyente ng virus ay kinabibilangan ng isang batang lalaki at isang babae na nasa 40-anyos ang edad.

Gayunman, nilinaw ni Dr. Eric Tayag, spokesperson ng DoH na isasailalim pa nila ang mga ito sa mas masusing imbestigasyon.

Hindi rin aniya nadala ang mga pasyente sa pagamutan dahil mild lamang ang virus na tumama sa mga ito.

Probinsya

Rider na humarang sa nagmamadaling truck ng bumbero, buminggo sa LTO

Sa kabuuan, nakapagtala na ang DoH ng kabuuang 19 na Zika virus cases sa bansa, na kinabibilangan ng 12 kaso mula sa Western Visayas, tatlo mula sa National Capital Region (NCR), tatlo mula sa Calabarzon (Region 4-A), at isa mula sa Central Visayas. (Mary Ann Santiago)