BATANGAS CITY – Isang granada ang natagpuan kahapon ng mga awtoridad sa loob ng compound ng Hall of Justice sa Pallocan West, Batangas City.

Ayon kay Batangas City Police chief Supt. Barnard Danie Dasugo, natagpuan ang granada malapit sa basurahan sa loob ng Hall of Justice, sa likod ng Municipal Trial Court 2.

Dakong tanghali nang idineklarang cleared sa bomba ang compound matapos na i-dispose ng Bomb Squad ng pulisya ang granada.

Kinansela naman ang mga transaksiyon sa korte at pinalabas ang lahat ng empleyado matapos matanggap ng isang piskal ang text message na: “Kung makapagsalita kayo sa mga katulad naming akusado, akala n’yo totoo. Ngayong 9:30 ng umaga may sasabog diyan.” (Lyka Manalo)

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar