KALIBO, Aklan - Sumuko kamakailan sa awtoridad ang itinuturing na pangunahing drug suspect sa bayan ng Nabas sa Aklan, ilang araw matapos niyang tumakas sa pagkakadakip ng mga pulis.
Una nang naaresto ng mga operatiba ng Nabas Police si Ranil Magcuha matapos maaktuhang nagbebenta ng droga, ngunit nakatakas habang nakaposas.
Sa kasagsagan ng manhunt operation ng pulisya, sumuko naman si Magcuha sa tanggapan ni Nabas Mayor James Solanoy.
(Jun N. Aguirre)