Nakatakdang idaos ng Integrated Cycling Federation of the Philippines, (PhilCycing) ang eleksiyon para sa panibagong lupon ng mga opisyal sa Disyembre 3 sa Golden Bay Restaurant sa Macapagal Avenue sa Pasay City.

Ang halalan ay ginaganap kada apat na tao o kasabay ng Olympic cycle. Magsisimula ang programa sa 10:00 ng umaga.

Nananawagan sina PhilCycling President Rep. Abraham “Bambol” Tolentino at Secretary General Atty. Avelino “Billy” Sumagui sa lahat ng mga affiliated at mga interesadong club na dumalo sa isasagawang general assembly na siyang pipili sa 15 miyembero ng PhilCycling board.

Para sa mga katanungan, makipag-ugnayan sa 09175594767.

Another gold! Hidilyn Diaz, isa nang guro sa UP Diliman

Lahat ng mga regular at affiliated member ay papahintulutang makaboto at ang boboto ay kinakailangang bise presidente o may katumbas na katungkulan sa grupo. - Marivic Awitan