Tiniyak ng Kamara na papasa ang panukalang P2,000 dagdag sa buwanang pensiyon ng may 1.9 milyong SSS pensioners.

May 16 panukala tungkol sa P2,000 SSS pension increase ang pag-iisahin ng House Committee on Government Enterprises and Privatization upang talakayin sa plenaryo sa Nobyembre 15.

Sinabi ni Rep. Jesus N. Sacdalan (1st District, North Cotabato), chairman ng komite, na aaprubahan nila ang committee report, dumalo man o hindi ang mga opisyal ng SSS sa deliberasyon.

Nabalam ang pag-apruba sa committee report noong Oktubre 18 dahil sa hindi pagdalo ng mga opisyal ng SSS. - Bert de Guzman
Musika at Kanta

Wolfgang, binuburaot ng Ivory, Vicor Music?