SANTIAGO, Ilocos Sur – Natagpuan na kahapon ng madaling araw ng rescuers ang bangkay ng dalawang sakay sa Cessna plane na bumulusok sa baybayin ng Barangay Sabangan sa Santiago, Ilocos Sur.

Dakong 7:00 ng umaga nang matagpuan at maiahon ng mga diver ang bangkay nina John Kaisan Estabillo, pilot instructor na taga-Parañaque City; at Paula Bianca Robles, estudyante ni Estabillo.

Sinabi ni Mike Chan, ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMC), na positibong kinilala ang mga labi ng kamag-anak ng mga ito na nagtungo sa lugar matapos mabatid ang tungkol sa aksidente.

Bandang 3:45 ng hapon nitong Biyernes nang bumagsak ang Cessna C172 plane, na may tail number na RPC-7838, na kinalululanan nina Estabillo at Robles.

Probinsya

72-anyos, pinalo ng dumbbell sa ulo ng kaniyang misis na may mental disorder

Ang eroplano ay pag-aari ng Leading Edge International Aviation, isang pribadong air flying school sa San Fernando City, La Union.

Ayon sa mga saksi, mababa lamang ang lipad ng eroplano nang mahagip umano nito ang zipline cable.