May 22, 2026

Home BALITA

Kung may ceasefire: Japan, kinokonsidera pagpapadala ng militar sa Strait of Hormuz

Kung may ceasefire: Japan, kinokonsidera pagpapadala ng militar sa Strait of Hormuz

Inihayag ng gobyerno ng Japan na ikinokonsidera nilang magpadala ng kanilang militar sa Strait of Hormuz, kung sakaling magkaroon ng ceasefire sa sigalot sa pagitan ng Iran kontra United States at mga karatig bansa.

"If there were to be a complete ceasefire, hypothetically speaking, then things like minesweeping could come up," ani Japan Foreign Minister Toshimitsu Motegi sa media noong Linggo, Marso 22, 2026.

Ang minesweeping ay isang naval operation ng pagtatanggal ng mga anumang itinanim na pampasabog sa karagatan.

Paglilinaw pa ni Motegi, "This is pure hypothetical, but if a ceasefire were established and naval mines were creating an obstacle, then I think that would be something."

Kaugnay nito, nananatili pa rin umano ang posisyon ng Japan hinggil sa naging unang panawagan noon ni US President Donald Trump hinggil sa pagpapadala ng mga barkong pandigma ng kanilang allied countries upang barikadahan ang Strait of Hormuz.

Sey ng NBI: 'Fugitive Senator Dela Rosa will be arrested whether he likes it or not'

KAUGNAY NA BALITA: Japan, Australia, dedma sa panawagan ng US na bumarikada sa Strait of Hormuz

Ayon sa mga ulat, tinatayang aabot sa 90% ng oil shipments ang napupunta sa Japan na dumadaan mula sa Strait of Hormuz.

Sa kasalukuyan, lumalakad na sa ikaapat na linggo ang sigalot ng Iran kontra sa pwersa ng US-Israel na nagsimula pa noong Pebrero 28.

Bunsod nito, nananatiling limitado ang mga barkong nakakadaan sa Strait of Hormuz na siyang pangunahing ruta para sa kalakalan ng langis, krudo at gasolina para sa pandaigdigang merkado.