STO. TOMAS, Batangas - Nilalapatan pa ng lunas sa ospital ang isang 16-anyos na babae na nagsaksak sa sariling tiyan matapos siyang pagalitan ng kanyang pamilya dahil sa maaga niyang pagdadalantao.

Ayon sa report ng Batangas Police Provincial Office (BPPO), dakong 8:00 ng gabi nitong Miyerkules nang dalawang beses umanong nagsaksak sa kanyang tiyan ang dalagita.

Napagalitan at nasampal umano ng kanyang lola ang dalagita matapos matuklasan ng pamilya na anim na buwan na siyang buntis. (Lyka Manalo)

Probinsya

72-anyos, pinalo ng dumbbell sa ulo ng kaniyang misis na may mental disorder