Lindsay Whalen,Chelsea Gray,Maya Moore

MINNEAPOLIS (AP) — Naisalpak ni Nneka Ogwumike ang short jumper may 3.1 segundo sa laro para sandigan ang Los Angeles Sparks sa 77-76 panalo para agawan ng titulo ang Minnesota Lynx sa WNBA.

Nakamit ng Sparks ang unang titulo matapos ang 14 na taon sa makapigil-hiningang winner-take-all Game 5 sa Finals.

Kumana ang league MVP ng 12 puntos at 12 rebound, habang tumipa si Candace Parker ng 28 puntos at 12 rebound para tanghaling MVP Finals.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

"She's been through so much," pahayag ni Ogwumike patungkol kay Parker na nakamit ang unang titulo sa career.

"She's probably the most misunderstood person in the league. I told her I wanted her to get one. She had an awesome game tonight. She's been our leader."

Naibuslo ni Rebekkah Brunson ang isang free throw may 23 segundo para sa 74-73 bentahe ng Lynx. Nakasagot si Parker sa layup na napantayan naman ng jumper ni Maya Moore may 15 segundo sa laro.

Sumablay ang unang tira ni Ogwumike, subalit muli niyang nakuha ang bola sa loose ball para sa winning shot. Sumablay ang huling tira ni Lindsay Whalen para maselyuhan ang panalo ng Los Angeles.

"I told them the series wasn't over and that there was still a Game 5 to be played. They had to believe they could do it on a tough home court. This team Minnesota is tremendous," pahayag ni Sparks manager Magic Johnson.

"We just beat the champions so I give them a lot of credit to. Our leaders led us and we had a great coach in Brian and they believed all season long. I told them this was their year. I wanted them to do it for Candace Parker. She deserves to be a champion. Great group of ladies,”aniya.

Umiskor si Moore ng 23 puntos at 11 assist para sa Lynx, ngunit bigo siyang mapantayan ang WNBA record na apat na kampeonato sa koponan. Nakamit ng Houston Comets ang apat na sunod na titulo mula 1997-2000.