cavs-copy

LOS ANGELES (AP) -- Naniniwala ang mga bossing ng NBA teams na makababalik sa Final ang Golden State Warriors sa ikatlong sunod na taon at kayang bawiin ang korona sa Cleveland Cavaliers.

Sa isinagawang survey na inilathala ng NBA.com, 29 sa 30 NBA general manager ang naniniwala na mapapanatili ng Cavaliers at Warriors ang dominasyon sa kani-kanilang teritoryo at sa muling paghaharap sa Finals, magagawang maagaw ng Golden States ang titulo.

Bumuto ang mga GMs para sa koponan maliban sa kani-kanilang pinangangasiwaan ng team.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Nakakuha ng tig-isang boto ang Boston at San Antonio.

Umabot sa 69 porsiyento ang naniniwala sa pagbabalik ng Golden States sa pedestal ng tagumpay.

Nanguna naman si Cavs superstar LeBron James sa MVP award (47%), kasunod si Oklahoma City Thunder guard Russell Westbrook (23%). Sosyo sa ikatlong puwesto sina two-time MVP Stephen Curry at James Harden ng Houston Rockets (10%).

Dominante naman ang boto kay Curry bilang nangungunang player na may pinakamataas na IQ sa paglalaro, kasunod si James.

Sa sitwasyon para pamunuan ang isang bagong koponan, nanguna si Minnesota Timberwolves big man Karl-Anthony Towns (48%) bilang franchised player kasunod si Kevin Durant (21%) at James (17%).

Napili naman bilang pinakamahusay na player sa kani-kanilang posisyon sina Curry (point guard), Harden (shooting guard), Los Angeles Clippers’ DeAndre Jordan (center), Anthony Davis ng New Orleans Pelicans (power forward) at James (small forward).

Si San Antonio coach Gregg Popovich ang napiling pinakamahusay na coach.

Nakuha naman ni Kawhi Leonard ng San Antonio Spurs ang boto bilang best defensive player at best perimeter defender, habang si Jordan ang best interior defender.