BANGKOK (AP) – Isang babaeng Thai na inakusahan ng pang-iinsulto sa namayapang hari ang puwersahang pinaluhod sa harapan ng larawan nito sa labas ng isang police station sa isla ng Samui habang sumisigaw ang mga tao na humingi siya ng paumanhin.

Ang pag-aresto sa babae at pagpapahiya sa kanya sa publiko noong Linggo ang huli sa mga ganitong insidente simula nang pumanaw si King Bhumibol Adulyadej noong nakaraang linggo, at nalugmok sa pagluluksa ang Thailand.

Nanawagan ng kahinahunan ang mga awtoridad sa pagbaha ng mga batikos sa social media sa mga taong hindi nagsusuot ng itim at puting kasuotan upang ipagluksa ang hari. Sinabi ng isang tagapagsalita ng gobyerno na hindi kayang bumili ng ilang Thai ng damit pangluksa at humiling ng pang-unawa.

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture