SHANGHAI (AP) — Pinagmulta ng organizer si Nick Kyrgios ng US$16,500 bunsod nang ‘unsportsmanlike behavior’ sa Shanghai Masters dito.

Ang parusa ang pinakamalaking multa na tinanggap ng Australian tennis player sa kanyang career. Pinatawan siya ng multang maximum US$10,000 dahil sa kawalan ng professionalism sa laro, gayundin ang US$5,000 dahil sa masamang pananalita sa crowd at US$1,500 para sa ‘unsportsmanlike conduct’.

Nasibak si Kyrgios sa quarterfinals ni German qualifier Mischa Zverev, 6-3, 6-1.

Ipinataw kay Kyrgios ang multang US$12,500 sa kanyang inasal, gayundin ang 28 araw na suspensyon at US$25,000 sakaling masangkot sa kaparehas na insidente sa loob ng anim na buwan.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Ayon kay top-ranked Novak Djokovic, ang kaganapan ay magsilbi sanang babala sa mga player, higit kay Kyrgios na ilang ulit nang nasabit sa kontrobersiya.

“Not many great things are spoken about him lately,” pahayag ni Djokovic.

“I’m sorry to hear that, because I share the opinion of many players and many people in the tennis world that he’s one of the greatest talents the game has seen lately,” sambit ni Djokovic, umusad sa quarterfinal ng torneo matapos gapiin si Vasek Pospisil, 6-4, 6-4.

Umusad din si Andy Murray sa nailistang 6-1, 6-3 panalo kay 13th seeded Lucas Pouille.