Nobel Prize Literature

SI Bob Dylan, itinuturing na boses ng henerasyon dahil sa kanyang mga maimpluwensiyang awitin mula 1960s hanggang sa kasalukuyan, ang nagwagi ng Nobel Prize for Literature. Iniluklok ng nakakagulat na desisyon si Bob bilang natatanging singer-songwriter na ginawaran ng award.

Kahanay na ngayon ang 75-anyos na si Bob - na napanalunan ang prize dahil sa paglikha ng “new poetic expressions within the great American song tradition” - nina Winston Churchill, Thomas Mann at Rudyard Kipling bilang Nobel laureates.

Ang pahayag ay sinalubong ng mga makapigil-hiningang sandali sa marangyang Royal Academy hall ng Stockholm, na sinundan ng mga halakhakan.

Tsika at Intriga

'Magkagalit sila?' Dennis, Ruru 'di raw nagpansinan sa set ng 'Green Bones'

Nailarawan ng mga awitin ni Bob, gaya ng Blowin’ In The Wind, The Times They Are a-Changin’, Subterranean Homesick Blues at Like a Rolling Stone ang diwa ng rebelyon, oposisyon at kasarinlan.

Sa loob ng mahigit 50 taon at hanggang ngayon ay patuloy si Bob sa pagsusulat ng mga awitin, at madalas na mag-tour para itanghal ang mga matulaing liriko sa minsa’y paos na niyang boses na kinakantiyawan ng kanyang detractors.

Hindi naluluma ang kanyang mga liriko.

Ang Blowin’ In The Wind, isinulat noong 1962, ay itinuturing na isa sa most eloquent folk songs of all time. Ang The Times They Are A-Changin, na sinabi ni Bob sa mga Amerikano na “your sons and your daughters are beyond your command”, ay naging awitin ng civil rights movement at mga protesta sa Vietnam War.

Sa paggawad ng 8 million Swedish crown ($930,000) prize, sinabi ng Swedish Academy na: “Dylan has the status of an icon. His influence on contemporary music is profound.”

Ayon sa Swedish Academy member na si Per Wastberg: “He is probably the greatest living poet.”

Pero hindi lahat ay kumbinsidong si Bob ay isang makata. Kontra ang nobelistang si Norman Mailer noong nabubuhay pa:

“If Dylan’s a poet, I’m a basketball player.”

Sinabi ni Sara Danius, Permanent Secretary ng Nobel Academy, na nagkaisa ang panel sa desisyon na ibigay kay Bob ang prize.

FASTEST SELLER

Bunga ng hindi inaasahang panalo ni Bob ng Nobel sa pagsusulat ng mga awitin, biglang sumipa ang bentahan ng kanyang mga libro.

Ang kanyang talambuhay na Chronicles: Volume One at ang bound compilation na The Lyrics: 1961-2012, ay kabilang sa fastest sellers ng Amazon.com nitong Huwebes. Ang libro ng kanyang mga liriko ay umakyat mula sa No. 73,543 sa Amazon’s best-seller list sa bisperas ng paghahayag sa No. 209. At sa loob ng 24 oras, umakyat ang Chronicles mula No. 15,690 sa No. 278, at out of stock na ngayon.

Tumaas din ang sales ng kanyang albums sa Amazon. Dalawa sa mga ito, ang Bob Dylan’s Greatest Hits at Blonde on Blonde, ay nasa top para sa CDs at vinyl pagsapit ng Huwebes ng gabi.

Ang literature ang huling iginagawad sa Nobel prizes. Ipinangalan ang prize sa dynamite inventor na si Alfred Nobel at sinimulang igawad noong 1901 para sa malalaking tagumpay sa science, literature at peace alinsunod sa kanyang huling habilin. (Reuters at AP)