Fajardo, liyamado para sa PBA Leo Awards.

Tila hindi pa tapos ang biyahe ni June Mar Fajardo sa pedestal ng tagumpay.

Liyamado ang 6-foot-10 para sa prestihiyosong Leo Awards sa pagtatapos ng season.

Tangan ang 38.8 statistical point sa pagtatapos ng Governors Cup semifinals, malayo ang bentahe ng San Miguel slotman kontra sa pumapangalawang si Jayson Castro ng TNT Katropa at Alaska forward Calvin Abueva.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Kakailanganin lamang ng pamosong Cebuano big man ang ayuda sa botohan mula sa media, kapwa player, at PBA official para tanghaling kauna-unahang player sa 41 taong kasaysayan ng liga na magwawagi ng parangal sa tatlong sunod na taon.

Dikit naman ang labanan para sa iba pang individual award na inaasahang ipahahayag bago ang Game Four ng PBA Finals sa pagitan ng Meralco at Ginebra sa Biyernes.

Nangunguna si Meralco’s Chris Newsome sa labanan sa Rookie of the Year tangan ang 23.6 statistical point kasunod sina second overall pick Troy Rosario ng TNT (23 SP’s) Art Dela Cruz ng Blackwater (20.7), Maverick Ahanmisi ng Rain or Shine (19.8) at top overall pick Moala Tautuaa ng NT (18.7).

Kandidato naman sa Mythical first at second team sina Alex Cabagnot, Jayson Castro, Jericho Cruz, Marcio Lassiter, Carlo Lastimosa, Newsome, Stanley Pringle, Terrence Romeo at LA Tenorio sa guard position, gayundin sina Fajardo, Abueva, Japeth Aguilar, Sean Anthony, Clifford Hodge, JR Quinahan, Aldrech Ramos, Rosario, Arwind Santos, Asi Taulava at Willy Wilson sa forward at center spot.

Abante naman para sa Most Improved Player si Cruz kontra kina Anthony ng NLEX, Pringle ng GlobalPort at RoS teammate Quinahan.

Nasa All-Defensive Team candidate sina Chris Banchero, Cruz, Ping Exciminiano and Chris Ross slugging it out for the guard spots with Abueva, Aguilar, Fajardo, Hodge, Gabe Norwood, Marc Pingris, Santos at Taulava.

Naglalaban naman sa Samboy Lim sportsmanship award sina Fajardo, Sol Mercado, Aldrech Ramos at Pringle.